EUTS: everything under the sun

All Stories Revealed Under The Sun

Di ta guae yong khee

Ang kwento ng isang nag-aaral sa La Salle.

Ang dami kong kaklaseng Intsik. Apelyidong  Uy, Lim, Tan, Co, Go, Chua, Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa. Pero sa kanilang lahat kay Gilbert Go ako naging malapit.  Mayaman si Gilbert kaya mangyari pa, madalas siya  ang taya sa tuwing gigimik ang barkada.

Isang araw na-ospital ang kanyang ama.  Sinamahan ko siya sa pagdalaw. Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa stroke. Naron din ang ilan sa kanyang malalapit na kamag-anak. Nag-usap sila.  Intsik ang kanilang usapan…. hindi ko maintindihan.

Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan nang umuwi.  Maiwan daw muna ako at pakibantayan ang kanyang ama habang inihahatid nya ang kanyang mga kamag-anak palabas ng ospital.  Lumipat ako sa gawing  kaliwa ng kama ng kanyang ama para ilapag ang mga iniwan nilang mga gamit na kakailanganin ng magbabantay sa ospital.  Nang akmang ilalapag ko na ay biglang nangisay ang matanda. Hinahabol nya ang kanyang hininga… Kinuyom nya ang kanyang palad at paulit-ulit siyang nagsalita ng wikang intsik na hindi ko maintindihan. Di ta guae yong khee”….. “Di ta guae yong khee”… “Di ta guae yong khee..  paulit-ulit nya itong binigkas bago siya malagutan ng hininga. Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama.

Ikinagulat nya ang pangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na papanaw na ang kanyang ama. Walang tinig na namutawi sa kanyang bibig. Ngunit iyon na yata ang pinakamasidhing pagluha na nasaksihan ko. Nagpa-alam muna ako, dahil siguradong magdadatingin uli ang kanyang mga kamag-anak.

Sumakay ako ng taksi pauwi. Habang nasa taksi.. tinawagan ko ang iba pa naming kabarkada. Una kong tinawagan si Noel Chua. Dahil marunong si Noel mag-intsik, tinanong ko muna kung ano ang ibig sabihin ng “Di ta guae yong khee”.

Huwag mong apakan ang oxygen.”… “Bakit saan mo ba narinig ‘yan?”

June 22, 2007 - Posted by | mail story

9 Comments »

  1. totoo ba ‘to? hehehe. grabe naman.😉 nadala ako dun ah. akala ko nangyari tlga ‘to syo. hehhe.

    Comment by aethen | June 23, 2007 | Reply

  2. wahhhhhhhhhhh… abi nako’g true story…

    Comment by kronemarvz | June 24, 2007 | Reply

  3. waaaaaaa ganon pinatay mo ama niya?????

    kasalanan mo eh waaaaaaaaaaaaa bakit mo inapakan un OXYGEN!!!

    ahihihi
    joke ^_^

    Comment by Aice | June 26, 2007 | Reply

  4. Padaan!

    hahah! ang funny naman! although sana joke lang ito. =D

    Comment by Tami | June 29, 2007 | Reply

  5. ahoy! kumusta naman.. sayo ba nanggaling yung nakarating sa akin na text na ganito rin ang kwento?? hehehehe.. kaw talaga…

    Comment by fjordz | June 29, 2007 | Reply

  6. totoo ba ito? haha..
    natatawa ako..

    Comment by kate^^ | June 29, 2007 | Reply

  7. totoo ba ito? haha..
    natatawa ako.. :))

    andaya. hindi kita yung smiley. O.o

    Comment by kate^^ | June 29, 2007 | Reply

  8. nagpapatawa. di naman kalbo. he he

    Comment by islander | June 29, 2007 | Reply

  9. naks.. sa email ko na nga lang yan nakuha.. aheheh.. akala ko ano na eh.. yon pala joke lang.. tawa ulit! ahehehehh

    to aethen, kronemarvz, aice, tami, fjordz, kate and islander.. thanks sa visit and comment.. i appreciated it..visit ulit! ahehe

    Comment by tanom | June 29, 2007 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: